Usap Usapan Ngayon

Huwebes, Setyembre 22, 2011

Andi Eigenmann, pregnant and proud!

Nakakatuwa naman itong si Andi Eigenmann, after some months of being silent, humupa na nga ang intriga ng kanyang biglang pagbubuntis at ngayon nga ay nag-cover pa sya sa Star Studio Magazine. At talaga namang maganda pa rin kahit 7-months pregnant na sya. Mukhang bebenta rin ang naturang issue ng magazine dahil nakaka-curious naman talaga ang situation ngayon ng pretty preggy actress. Marami din ang thumbs up sa kanya sa pagpapatuloy ng kanyang pagbubuntis kahit alam nyang ayaw itong panagutan ng ama. Nabanggit sa preview ng magazine na nag-wo-worry si Andi kung paano nya palalakihin ang bata ng walang daddy. Kitang kita naman sa kanyang mga pictures na napakaganda pa rin ng expectant mom kahit ang laki laki na ng tyan niya. Matatandaan ding kahit sa gitna ng kontrobersya ay dumalo pa rin sya sa mga social gatherings ng ABS-CBN at taas noo pa syang humaharap sa mga tao. "Things might have gone wrong in the past. I might have gotten hurt before. But I can always start over again." sabi ni Andi. Sinabi din ni "Agua Bendita" na umaasa din syang someday na matagpuan din nya ang kanyang Mr. Right na mamahalin sya at ang kanyang baby. Todo suporta pa rin ang kanyang pamilya, mga fans at ang Kapamilya network na nagaabang sa kanyang panganganak sa November at sa kanyang pag-babalik showbiz. Mabuti at maganda pa rin ang kanyang image despite of her mistakes in the past. Pero hindi pa rin masasabing tama at magandang example ito sa mga kabataan, dahil importante pa rin ang pag-iingat sa sekswalidad at ang pakikipagtalik ng may basbas ng kasal. Instead, dapat tignan si Andi bilang isang modelo ng pagiging responsableng ina at matapang na tao na hinaharap ang pagsubok sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento