Usap Usapan Ngayon
Lunes, Setyembre 26, 2011
Nora Aunor. model ng YOSI?
Ano ba yan? Usap-usapan kahapon hanggang ngayon ang controversial picture ni Nora Aunor sa cover ng Yes Magazine.
Marami ang napa-oh my gosh! sa posing ng tinaguriang superstar. Eh kasi naman. bakit naman kasi nagpose ng may hawak na sigarilyo. Nalimutan na ba nila na Pilipinas ito? At in fairness kahit medyo liberated na ang Filipino ngayon eh at least may morale pa rin tayong pinangangalagaan at marami pa rin naman ang natitirang konserbatibo.
Ayon sa isang organisasyon na kinabibilangan ng sikat na running priest na si Father Robert, kinondena nya ang nasabing picture ni Nora na di umano (wow..ang lalim) ay nagbibigay ng masamang imahe sa mga kabataan lalo na sa mga artistang tinitingala ng karamihan.
Sinabi naman ng YES magazine na ang posing ay hindi upang hikayatin ang tao na manigarilyo kungdi ito ay sumasalamin sa ngayo'y kalayaang tinatamasa ng aktres matapos malampasan ang maraming karanasan sa ibang bansa. Ito daw ay sumisimbolo sa isang malayang Nora Aunor na magagawa ang gustong gawin. Kalayaang karapatan daw ng bawat tao.
Hay, kung ako tatanungin mo, hindi pa rin maganda kasi tignan. Kung nabubuhay pa siguro ang lola ko na Noranian, hindi din sya matutuwa. At aminin, kahit naman ang ibang Noranian nagulat din sa nasabing cover ng superstar.
In fairness, maganda ang pagkakakuha, may drama at may dating kaso lang ang impact hindi maganda. Sana iba nalang ang nilagay sa cover at siguro sa loob nalang ng magazine iyon nilagay kasama ng ilang mga pictures nya.
Ano sa palagay mo? Bibilin mo ba ang isyung ito ng Yes magazine? Magiging mabili ba ang isang magazine sa ganitong paraan?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento