Usap Usapan Ngayon

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Barilan sa SM


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Nakakaloka na talaga ang mga nangyayari ngayon! Matapos ang barilan na naganap sa SM North Edsa kumakailan ay sinundan naman ito ng mas masahol pa sa una, kung saan mga minor de edad ang involved sa barilang naganap sa SM Pampanga kahapon, Sept. 20.
Mas grabe pa ito kaysa sa unang insidente sa Sm North Edsa na naganap nung isang linggo kung saan isang babae na unang asawa ng biktima ang bumaril at pumatay dito habang nagtatrabaho sa SM branch na ito, at nadamay pa ang isang guard na umawat sa babae. Namatay din ang batang guard ng SM nang mabaril sya ng dalawang beses ng nagwalang babae. Selos sa bagong kinakasama, pangaabuso at depresyon ang tinutukoy na pinag-ugatan ng trahedyang ito.
Samantala, sa bagong kaso ng pamamaril sa SM Pampanga, dalawang kabataan naman na 13-anyos at isang 16-anyos na sinasabing magkarelasyon ang nag-away at humantong sa barilan. Parehong kritikal ngayon ang mga batang ito na sinasabing mga homosexual at magkahiwalay na dinala sa 2 ospital sa Pampanga.
Nakakalungkot isipin na napakabata pa ng mga biktima at isa nanaman itong banta sa seguridad ng SM. Alam naman nating lahat na halos walang kwenta ang frisking na ginagawa ng mga guard sa SM na madalas nating puntahan at madalas pa ngang nagkukuwentuhan ang mga ito. May pagkakataon namang maging mga ang  mga tao na ang naiinis at ayaw magbukas ng bag dahil sa pamamadali at katamaran.
Isa itong seryosong bagay lalo na sa mga magulang. Kagulat-gulat ng pabata ng pabata ngayon ang pumapasok sa isang mapusok na relasyon. Mas kagulat gulat din na pabata ng pabata ang nagtatangkang magpakamatay dahil sa maling pag-ibig.
Sino ang dapat sisihin sa pangyayaring ito? Kayo na ang humusga. Comment na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento