Dati isa ako siguro sa mga minsang tumataas ang kilay sa mga balitang nagkaka-attitude problem na raw si Vice Ganda. Pero dahil hindi ko sya personal na kilala, wala naman ako sa posisyon na manghusga ng tao. At nung minsang napanuod ko ang Gandang Gabi Vice sa channel 2, naaliw naman talaga ako.
At dahil dun napabili tuloy ako ng baron antenna para makasagap naman ng channel 2 ang tv namin sa bahay namin sa Cavite. Sa totoo lang, mas malakas ang signal ng GMA sa Cavite at tingin ko sa mas maraming lugar. Kahit walang masagap ng signal sa channel 2 maliwanag ang channel 7 lalo na ang GMA news TV sa channel 11.
Back to Vice, ayun na nga at napanuod ko last Sunday ang episode nya with guests, Billy Crawford and Nikki Gil na ang cute naman pala nila as a couple. Nakakatuwa ang kakulitan ni Nikki Gil which was a surprise dahil parang natabunan ang kakulitan din ni Billy. At syempre mas makulit ang host na si Vice. Naungkat din ang tsismis na naging mag-on daw sila Nikki Gil at Jon Avila na nali-link ngayon kay Vice. At medyo obviuos naman ng sa bandang huli todo defense naman si Vice na sinabi daw sa kanya ni Jon na it was just a friendly date after an event sa star magic.
CLICK to watch video of Gandang Gabi Vice, September 18-episode.
http://www.youtube.com/watch?v=855pEjpyvg8
Pero ang "severe" sa episode last Sunday ay ang guesting ni Hayden Kho. At palagay ko napakataas ng rating ng show ng gabing yun. Magaling ang pag kakahandle ni Vice sa very controversial celebrity. Well, syempre hindi na inungkat ang isyung kinasangkutan ni hayden pero nagpasaring naman ang maharot at makulit na Vice ng sinabing nya minsang.. "don't worry hindi ko i-re-record." At parang okay naman ang naging image ni Kho na parang hindi sya guilty at all at game na game pa sa mga challenges na binigay ni Vice. Sinabi din ni Hayden na hindi sya pikon and it really showed naman. At talagang pinakita nya na honest sya nang inamin nya kay Vice na at the age of 13 years, mahilig na pala talaga si Hayden na magcollect ng profiles ng mga magagandang tao sa kanyang school. Ahh, so kung slumbook pala ang uso noon, kay Hayden beautiful people profile. Parang it explains why he developed his hobby from taking live videos of beautiful people. Well, over-all nakakaaliw naman talaga ang segment na yun.
Hindi pa dun nagtapos yun, as finale of the episode, nakipagsabayan si Vice sa guest na fliptop rapper at nakakabilib naman talaga ang talino ni Vice sa mabilis na pagiisip ng pang-okray ha. At pati ang porma nya at dating, ang astig ha.. parang ang pogi nya that time. Well, kung hindi siguro sya naging bading ang pogi naman talaga ni Vice, matangkad pa at matalino, basketball player nga sya dati. Well, kung hindi naman sya naging bading, eh di walang Vice Ganda.
Ito pa ang lalong susubaybayan this coming Sunday. Akalain mo, guest ni Vice ang isa pang Vice! Walang iba kundi si former- Vice President Noli de Castro. Pinakita kanina sa TC Patrol ang teaser ng guesting ni kabayan, at mukhang exciting nga panuorin dahil nagpakita din ng "severe" na kakulitan ang ginagalang na patrol ng bayan. Isa nanamang kaabang-abang na episode this Sunday. No wonder, na-extend at ang taas ng rating. Talaga namang magaling at nakakaaliw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento