Usap Usapan Ngayon

Martes, Setyembre 20, 2011

Jinkee Pacquiao mamimigay ng Hermes bag!

Manny Pacquiao and wife, Jinkee

Bongga naman talaga si Jinkee Pacquiao at mamimigay daw sya ng mamahaling Hermes bag sa kung sino mang makakapagpatunay na may babae pa ang kanyang asawa.
Parang reward sa isang wanted na tao at ang Hermes bag ay libo libo ang halaga.
Kelan lang ang nalink itong si Manny sa isang star struck avenger na si Princess Snell pero todo deny naman ito sa isyu.
Very confident naman si Jinkee ngayon na nahuhumaling sa kanya ang asawang boxing champ dahil sa kagandahan nya ngayon at self confidence. May mga nagsasabi nga na sa panay na pagpapadoctor ni Jinkee ay nakakahawig na sya ni Gretchen Barretto.
 "Happy ako na confident..chinecheck nya kung anu suot ko kahit lipstick."
Samantala, susunod naman siya sa LA para sa training ni Manny sa laban nila ni Marquez. Nang tinanong naman si Jinkee sa reaksiyon ni Manny sa laban ni Mayweather, sinabi raw ni Pacman na madaya at yun lang ginawa niyang strategy sa laban.
Nilinaw naman ni Jinkee na hindi pa magreretiro si Pacquiao sa boxing at lalaban pa ng 2 beses pagkatapos ng laban nya kay Marquez.
Mapapasama kaya ang katuparan ng pangarap ng marami na magharap na sila ni Mayweather. Panay kasi ang hamon ng tinaguriang "villain" ng boxing kay Pacman na magpa-drug test bago sya lumaban dito. Matupad kaya? Abangan natin yan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento