Grabe ang kasikatan ngayon ni Shamcey Supsup pagkatapos ng outstanding performance nya sa Miss Universe pageant 2011.
Super daming offers sa kanya ngayon na maging artista, maging teacher at maging architect consultant. Hindi na akalain na ganito kadami ang magiging blessings nya kahit hindi nya naiuwi ang korona.
At may USAP-USAPAN pa nga na iimbestigahan daw ng senado ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi tayo manalo-nalo ng Miss Universe title. And huli pang panalo natin at yung kay Margie Moran noong 1973. At ang unang naguwi ng korona ay si Gloria Diaz noong 1969.
Pero madalas naman tayong mapasali sa finals, ito ang ilan sa mga muntik-muntikan nang naguwi ng korona sa ating bansa:
1975 | Rose Marie "Chiqui" Singson Brosas | 4th Runner-up |
1984 | Maria Desiree "Des" Erese Verdadero | 3rd Runner-up |
Ano sa palagay nyo ang dahilan kung bakit hindi tayo manalo-nalo? At makabuluhan bang pagtuunan ng panahon ng gobyerno ang Miss Universe. Kahit paligsahan lang ito ng kagandahan ay malaki ang naitutulong nito sa isang bansa in terms of tourism at kasikatan. Marami ding nagkakainteres na mag-invest sa isang bansang pinasisikat ng nanalong kandidato. Anu sa palagay nyo? COMMENT na! ^^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento